Ang Bagong Pilipino

By: RTVM
Source: rtvm

Ang Bagong Pilipino

Ang Bagong Pilipino ay nakikiisa sa pamahalaan para bigyang tugon ang pagkakaroon ng mas maunlad at mas matatag na lipunan. Sa pagtataguyod ng Bagong Pilipinas, kinakailangan ng sama-samang pagtutulungan ng gobyerno at ng mamamayan.
Ang pagbabago ay hindi lamang isang responsibilidad kundi isang karangalan—na tayo, bilang mga Pilipino, ay may kapangyarihan at kakayahan na mag-ambag sa pagpapabuti ng ating bayan.
Hindi natin dapat ituring ang ating sarili bilang mga simpleng tagapagmasid, kundi bilang mga aktibong bahagi ng pagbabago. Bawat isa sa atin ay may papel na ginagampanan, at sa ating mga kamay nakasalalay ang kinabukasan ng sambayanan.